Author's Section

The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee T-Shirt

Milk and Coffee Shirts

It was a very fulfilling week for me. I finally have Milk And Coffee printed on shirts which is going to be for my personal fashion use (I will give the other one to the real-life Milk).

Actually, dati ko pa gustong magkarooon ng shirt ang mga cartoon na ginagawa ko. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng motivation to finally partner with a supplier para i-produce ang mga shirt na ito. Kakaisip at kakainom ko siguro ng kape kaya na-realize ko na kailangan na kailangan ko ng gawin ito.

Gusto n’yo ba ng ganitong shirt? Well, may dalawang paraan para makakuha nito:

1. Raffle:

Sa October, I will be giving a way 2 FREE shirts to the lucky Facebook Subscriber ng TZCAOMAC.

At sa mga susunod na special events, mamimigay din ako nito ng libre. I will announce the mechanics soon. So stay tuned!!!

2. Online Shop

I will open a personal shop to sell this TZCAOMAC merchandise — shirt, mugs and more.

Perfect ito sa mga Coffee Addicts gaya ko at sa mga subscriber ng Adventures nila Milk and Coffee.

Once I finish all the designs, I will post them right away.

Kaya samahan ninyo kami sa Adventures at sundan kami sa aming mga Social Media Accounts. #KapePaMore

Author's Section

Coffee At Night

Coffee_at_night

Una sa lahat, I want to thank everyone na tumangkilik sa mga naunang adventures dito sa The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee lalong lalo na doon sa mga sumusubaybay sa aming Facebook Page kung saan doon ko inumpisahan lahat.

As I’ve said on my ‘About TZCAOMAC’ page, everything started with my love for coffee, most especially the flavored ones — Cafe Latte, Cafe Mocha and Caramel Macchiato. Plus, I love also expressing myself in art, and marami rin talaga kaming kalokohan at hugot sa buhay ng best friend ko, whose mini me character is Milk, kaya naisip ko na i-share ang karamihan dito.

Right now, I’m at the center of Greenfield District in Mandaluyong City, Philippines creating more stories and lining them up for the next postings. This moment makes my ‘Coffee At Night’ more meaningful and productive. And actually, ever since na sinimulan ko ang ‘TZCAOMAC’, I always look forward for tomorrow. Kahit minsan nahihirapan akong ilabas ‘yong mga genuine comedy ko sa katawan, nagiging focus talaga ako to make positive vibes dominate in my life. And yeah, I can now justify why I sip a cup coffee in the middle of the night without the worry of not getting enough sleep for my day job.

What’s Next? I will start posting the Coffee Shots of the Day on Twitter. It’s composed of Quotes and Hugot, that will keep you motivated and inspired. So make sure to follow us by clicking our social media links.

In the Author’s Section, I will also post some poems that I made during my stay in different coffee shop. Most likely, makikita ninyo ito every Sunday.

I like also to invite people to let me know the best coffee shop here in Metro Manila (or maybe the near by provinces) so I can visit them, taste their bestsellers and para rin ma-experience kong mag-drawing at lumikha ng mga istorya para sa ‘TZCAOMAC sa stores nila.

Ayun lang po! See you guys! #KapePaMore

Characters · Comics · Komiks

Meet The Characters — Batch 3

TESS_PRESSO_CARTOON

Meet TESS PRESSO, The Sosyalera.

Si TESS ang leading agent ng Golden Powers International. Mayaman. Mayaman. Mayaman. At may obvious na pagtingin din kay MILK. Selosa s’ya kahit wala naman s’yang something to hold on to sa kanilang dalawa ni MILK. Matindi ang galit kay COFFEE for some reason.

Siya lang din naman ang owner ni Frapp ‘The Dog’.

Maghanda na kayong matanong kung open-minded kayo for business, dahil makakasama na natin s’ya sa The Zero CalorieAdventures Of Milk & Coffee

 

FRAPP_Cartoon

Say Hello! to FRAPP ‘THE DOG’!

Isang domesticated tortoise si FRAPP. He can do a lot of tricks na hindi kayang gawin ng isang normal na tortoise. Mahilig s’yang makinig sa mga conversation na hindi namamalayan ng mga adventurers.

He’s in the middle of identity crisis pala — hindi s’ya convinced na isa s’yang tortoise. But allow him to convince you na he’s a dog.