Comics · Komiks

Best Friends’ Dilemma

Vol. 1 No. 22

(Click image for a larger view)

milk_and_coffee_22

Sundan adventures nina Milk and Coffee sa Twitter at Facebook! I-click lamang ang mga links ng aming social media!

Pinoy Comics: The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee –Volume 1

#KapePaMore

Advertisements
Author's Section

Periodic Table of Banat

Milk_And_Coffee_AS05

Kapag kinapos ka na ng hugot lines, ito ang isang witty at well-searched na banat na pwede mong i-send sa mga science nerd mong friend o nililigawan.

Ito ang PERIODIC TABLE OF BANAT!!!

Bakit Periodic Table of Banat? Well, gumamit lang naman tayo dito ng ating paborito ngunit nakakadugong i-memorize na Periodic Table of Elements, kung saan ang mga Element Symbol pinaghahalo-halo natin para makagawa ng mga salita, English man o Tagalog.

Kung medyo science-wiz ka noong Chemistry class ninyo, medyo easy lang ito. Ngunit kung witty ka lang talaga, maaari mo namang i-google ang buong table of elements para makagawa ng inyong banat lines.

Game na? Ituturo ko na s’ya.

Kapag sinabi kong:

Iodine LutetiumVanadium Uranium

Ang ibig kong sabihin ay ‘I LuV U’.

Bakit? Ang ‘I’ kasi sa Table of Element ay Iodine, “Lu” means Lutetium, “V” Vanadium, at “U” ay Uranium. Kaya kapag pinagtabi-tabi ninyo ito sa tamang ayos, mabubuo ninyo ang salitang ‘I Luv U’ o I Love You.

Gets? Kung hindi pa, heto ang medyo mahaba-habang example:

Iodine-ActiniumCeriumPlatinum Molybdenum LutetiumVanadium PottasiumOxygen
Dysprosium PotassiumIodineTantalum IodineIodineTungstenNitrogen.
PraseodymiumAmericiumIodineSulfur!!!

Ang ibig sabihin n’yan ay:

I-AcCePt Mo, LuV KO
Dy KITa IIWN
PrAmIS!!!

(I-accept mo, love ko. ‘Di kita iiwan. Promise!!!) Hindi kailangan perfect, basta nandoon ‘yung thought, pasok na!

Ito pa ang isa:

YttriumOxygenUranium
IndiumSulfurPhosphorusIodineRhenium
UraniumSulfur

Ang ibig sabihin n’yan ay:

YOU
InSPIRe
US

Tandaan: Pagdikit-dikitin ang mga Element na bubuo ng isang salita. Lagyan lamang ng space kapag ibang salita na ‘yung bubuoin mo.

Medyo mahirap sa umpisa maghagilap ng elements na tutugma sa words na gusto n’yo. Pero kung gagamitan ninyo ng practice, masasanay din kayo kaagad. Pero para mapadali ang paghahanap ninyo ng mga words na pwedeng gamitin, naghanap na ako ng ilang English words na maaari ninyong gamitin agad:

(I-click to read more)

Continue reading “Periodic Table of Banat”

Author's Section

Naagawan ka na ba ng Best Friend?

Milk_And_Coffee_AS04

Feeling mo lulamayo na s’ya?

Minsan, nakikita mo s’ya na may tinatawag na iba gamit ang buddy names n’yo?

At may moments na din na mas madalas n’yang kausap ang bagong kaibigan kaysa sa’yo.

Naagawan ka na ba ng best friend?

Minsan talaga kapag sinusubok ang pagkakaibigan ng pagkakataon, maraming nangyayari sa isip at katawan natin na hindi natin ma-explain. Feeling mo paranoid ka, feeling mo may sakit ka, at higit sa lahat feeling mo nawawalan ka ng someone na higit pa sa jowa.

Sa ilan, “so high school” ang ganitong karanasan kung saan selos na selos ka dahil unti-unti nang lumalayo ang best friend mo. Hindi dahil nagkakagusto ka na sa kanya, bagkus, simple lang, gusto mo lang ng parehong atensyon na nakukuha sa kanya.

Para sa iba, mabigat ang ganitong sitwasyon. Malaki rin kasi ang nagagawang attachment ng pagkakaibigan sa tao, depende sa haba ng panahon o lalim ng pinagsamahan. Idagdag mo pa sa bigat ang mga magagandang ala-ala noong solo mo pa ang iyong Best Friend.

Pero madalas na nangyayari (*ehem* well, sa palabas sa TV *ehem*) mahal mo na pala, kaya masakit.

Pero hindi ba alam natin na ang lahat sa ating paligid ay nagbabago? At oo, kasama na doon ang ating mga matatalik na kaibigan. Habang may nakikilala tayong ibang tao, lumalawak ang ating kaisipan, hence, makakatagpo tayo ng tao na magki-click at huhuli ng ating kiliti.

At kung tutuusin, kung paano mo nakilala ang iyong Best Friend, ganoon mo rin makikilala ang mga bago mong kaibigan — sa ‘di inaasahang pangyayari at pagkakataon. Maaaring sa school at classmate mo lang s’ya ngayon, bukas magkaibigan na kayo.

May ilan lang tayong dapat tandaan sa ganitong sitwasyon:

Una, tanggapin ang katotohanan. Hindi porket best friend na kayo, sa inyo na iikot ang mundo. May kanya-kanya tayong direksyon ng buhay. At mayroon talagang babago ng buhay natin na eventually iisang tabi natin ang ibang tao sa buhay natin. So, live with it kung ganoon ang mangyari. Find yourself some new friends din para you won’t be alone.

Pangalawa, ang pinagsamahan ay hindi basta-basta mabubura. Either ikaw man ang original best friend n’ya or second, third, or nth ka lang n’ya, may mga moments kayo na alam ninyo at kayo lang ang nakakaalam. At walang makakatumbas doon, kahit pa ikwento man n’ya ito sa iba.

Third, huwag kang ano!? Hindi kayo magjowa!!! Ano? Clingy lang? Alamin mo lang ang limitasyon ninyong dalawa. Kung lumalagpas na sa limitasyon n’yo ang nararamdaman ninyo, mas maigi na ang pag-usapan ito.

Last, maging masaya ka para sa best friend mo. Kung masaya s’ya doon, be happy for them. Kung makikita o mapapansin niya ito sa’yo, for sure lalawak ang understanding ninyo sa isa’t isa.

Kaya ‘wag kang ano? Kung ikaw naman ay hindi pa nakakaranas ng ganitong sitwasyon, mas maigi siguro ipakita mo na mahalaga sa’yo ang best friend mo, para kung may pipiliin man s’ya sa sandamakmak ninyong friends, ikaw ang pipiliin n’ya!

#KapePaMore

Comics · Komiks

Alien Saga Album on Facebook

Milk_And_Coffee_Alien01

Kung gusto ninyong mabasa ang buong ALIEN SAGA episode ng The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee. Maaari ningyo i-click ang cateory na “Alien Saga” sa website na ito o puntahan lang ang aming Facebook Page sa mga sumusunod na link:

Mobile
Desktop

Para naman sa buong Volume 1. I-click ang link na ito. Here

Salamat sa pagtangkilik ng The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee!!! #KapePaMore

Music

Coffee & Music: Sia – Alive (Lyric Video)

After a waiting a long time, Sia finally released the lyric video of her latest single “ALIVE”.

This song was intended to be sang by Adele, but Adele rejected it in the last minute; hence, Sia include it in her latest album, “This is Acting”, where she sings different songs originally written for another artist.

Meanwhile, Alive is very inspirational for me. I listen to it with a cup of coffee.

I hope Sia would make a real video for this song, ‘cuz it so awesome!