Author's Section · Comics · Komiks

Author’s Section – Secrets of Forever Friendships

Milk_And_Coffee_AS03

Maraming kaibigan ang unti-unti nang nagbabago ngayon, marahil siguro sa takbo ng panahon kung saan abala na ang lahat o maaari dahil lang din sa nagbago na sila ng ugali. Sometimes, you would realize na those remaining ones are the people who we can jive with you in different aspect of your life. Hindi dahil sa pinagtiya-tiyagaan ka nila, pero nakakakita lang siguro kayo ng “common denominator” sa isa’t isa kaya hindi nagkakasawaan ang friendships.

Minsan napapaiisip tayo: Bakit nga ba nawawalan o nababawasan tayo ng kaibigan? Akala ko ba FOREVER ang friendship?

Mahirap sagutin dahil marami tayong dapat i-consider.

By the way, dahil anniversary week ng Le Miel Cafe ngayon, nandito ako sa Greenfield Mandaluyong. Dito ko napiling magpalipas ng oras para makapag-isip-isip, makapagpahinga at makapagsulat na rin ng mga kwento na gagawin ko para sa TZCAOMAC. Kung tutuusin limitado na ang oras ko dahil may mga aktibidades ba akong gagawin kinabukasan, at kakailanganin ko ng mahaba-habang tulog para makapag-function ng normal at hindi anutukin buong araw. Pero ayun, mas pinili ko ang matikman ang napakasarap na cake at Vanilla Frapp na ito para lamang makapag-unwind.

Medyo mabigat ang aking panimula ng “Author’s Section” na ito, pero tama lang siguro na ibahagi ko ito. Tungkol sa pakakaibigan din kasi ang foundation ng The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee kaya nararamdaman ko na mahalaga s’yang pag-usapan.

Ano ba ang maaari nating gawin para mapanatiling FOREVER ang friendship? Ito ang ilan sa mga importanteng bagay na dapat tandaan:

1. KOMUNIKASYON

Sa tingin ko, upang mapanatili ang ating mga kaibigan importante ang komunikasyon. Agree ka d’yan, ‘di ba?

Isa iyon sa mga bagay na dapat pagpahalagahan dahil, madalas man o kahit paminsan-minsan na kamustahan, doon nabubuo ang matatag na samahan. Kahit sabihin mong balahuraan o walang kabuluhan o saysay ang pag-uusap, go lang ng go! Dahil naniniwala ako na hindi scripted ang tunay na conversation ng tunay na magkakaibigan.

At sa tingin ko naman, normal din ang magbalahuraan ang magkakaibigan. So keri lang ‘yun!

Tips:
– Choose your personal instinct when you guys talk. ‘Yung tipong you’ll be able to come up due to common interests. That’s a key to a wholesome convo.
– Do it in a place you’ve never been — either a newly discovered coffee shop or kanto na you wish to make tambay.

2. BE OPEN-MINDED

Ang pagiging open-minded (hindi sa networking) sa mga posibilidad na tampuhan o pagsubok ng pagkakaibigan ay isa rin sa mga bagay na dapat i-consider. Hindi naman porket sabihin nating “barkada” always happy na at walang downside.

Normal din tampuhan, alitan, at minsan pa nga may sabunutan sa pagkakaibigan. Pero huwag ninyong tapusin ang pagkakaibigan dahil lamang sa mga away (simple man o mabigat.) Kung mangyari ito, don’t close the door for each other. And remember to forgive and to give one another time. Then, move on kapag nagkapatawaran na. Eventually, you will know pagtatawanan ninyo na lang ang mga bagay-bagay na pinagdaanan ninyo.

Be open-minded sa ibang problems. Friends always keep each other’s back safe. Dapat when you enter friendship, understand na hindi lang ikaw ang uunawain ng mga friends mo. Get yourself ready to help your friends when they need you. Maybe not financially, but at least make sure the presence of your support is felt — either literal na presence yan or text message lang, okay na ‘yan.

On the other hand, though, don’t be too demanding din. Don’t expect your friends will be there for you 100% of your time. They have their own lives and problem; so be open-minded with that scenario.

Tip:
– expect little.
– Forgive. Forget.

3. DRAW A LINE

Hindi masamang umibig sa isang kaibigan, but sometimes we need to start limiting ourselves especially if we’re building a friendship to some newly meet circle. Hindi lahat ng friendship maganda ang kinahahatnan kapag nagjo-jowaan. Bibihira ang Friendship-to-Jowa-to-Friendship-again scenarios, at ang madalas na sitwasyon natatapos ang friendship after break up, especially kung hindi sila nag-number 2 — open-minded.

At the beginning of the friendship, set your mind to make friends. Alamin mo kung ano iyong advantages of that friendship for you and everyone, and always keep that in mind. I-try mo na mag-focus sa ibang bagay, like having a kapatiran sense of treatment with each other.

But if crush mo talaga ‘yung isa sa mga barkada mo, take your time and don’t rush things out. You may say your feelings to your crushie, but set your expectation na it may turn out bad or good. Pero kung ano man ang kakahinatnan, always remember to open the communication to be fair with everyone and be open-minded. Kung hindi kayo, accept it; kung maging kayo, e ‘di happy!

4. HONESTY

Actually, ito ang summary ng lahat. Be honest!

Halos lahat ng friendship ay natatapos dahil sa kawalan ng honesty sa isa’t isa. Try to imagine na puro kayo plastik sa loob ng barkadahan, it’ll be full of negative thoughts at chismisan to the max, at saksakan sa likod. Also, honesty is one of the primary food of a good friendship. It’s painful sometimes, but you’ll see the value of this eventually.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s