Author's Section

Naagawan ka na ba ng Best Friend?

Milk_And_Coffee_AS04

Feeling mo lulamayo na s’ya?

Minsan, nakikita mo s’ya na may tinatawag na iba gamit ang buddy names n’yo?

At may moments na din na mas madalas n’yang kausap ang bagong kaibigan kaysa sa’yo.

Naagawan ka na ba ng best friend?

Minsan talaga kapag sinusubok ang pagkakaibigan ng pagkakataon, maraming nangyayari sa isip at katawan natin na hindi natin ma-explain. Feeling mo paranoid ka, feeling mo may sakit ka, at higit sa lahat feeling mo nawawalan ka ng someone na higit pa sa jowa.

Sa ilan, “so high school” ang ganitong karanasan kung saan selos na selos ka dahil unti-unti nang lumalayo ang best friend mo. Hindi dahil nagkakagusto ka na sa kanya, bagkus, simple lang, gusto mo lang ng parehong atensyon na nakukuha sa kanya.

Para sa iba, mabigat ang ganitong sitwasyon. Malaki rin kasi ang nagagawang attachment ng pagkakaibigan sa tao, depende sa haba ng panahon o lalim ng pinagsamahan. Idagdag mo pa sa bigat ang mga magagandang ala-ala noong solo mo pa ang iyong Best Friend.

Pero madalas na nangyayari (*ehem* well, sa palabas sa TV *ehem*) mahal mo na pala, kaya masakit.

Pero hindi ba alam natin na ang lahat sa ating paligid ay nagbabago? At oo, kasama na doon ang ating mga matatalik na kaibigan. Habang may nakikilala tayong ibang tao, lumalawak ang ating kaisipan, hence, makakatagpo tayo ng tao na magki-click at huhuli ng ating kiliti.

At kung tutuusin, kung paano mo nakilala ang iyong Best Friend, ganoon mo rin makikilala ang mga bago mong kaibigan — sa ‘di inaasahang pangyayari at pagkakataon. Maaaring sa school at classmate mo lang s’ya ngayon, bukas magkaibigan na kayo.

May ilan lang tayong dapat tandaan sa ganitong sitwasyon:

Una, tanggapin ang katotohanan. Hindi porket best friend na kayo, sa inyo na iikot ang mundo. May kanya-kanya tayong direksyon ng buhay. At mayroon talagang babago ng buhay natin na eventually iisang tabi natin ang ibang tao sa buhay natin. So, live with it kung ganoon ang mangyari. Find yourself some new friends din para you won’t be alone.

Pangalawa, ang pinagsamahan ay hindi basta-basta mabubura. Either ikaw man ang original best friend n’ya or second, third, or nth ka lang n’ya, may mga moments kayo na alam ninyo at kayo lang ang nakakaalam. At walang makakatumbas doon, kahit pa ikwento man n’ya ito sa iba.

Third, huwag kang ano!? Hindi kayo magjowa!!! Ano? Clingy lang? Alamin mo lang ang limitasyon ninyong dalawa. Kung lumalagpas na sa limitasyon n’yo ang nararamdaman ninyo, mas maigi na ang pag-usapan ito.

Last, maging masaya ka para sa best friend mo. Kung masaya s’ya doon, be happy for them. Kung makikita o mapapansin niya ito sa’yo, for sure lalawak ang understanding ninyo sa isa’t isa.

Kaya ‘wag kang ano? Kung ikaw naman ay hindi pa nakakaranas ng ganitong sitwasyon, mas maigi siguro ipakita mo na mahalaga sa’yo ang best friend mo, para kung may pipiliin man s’ya sa sandamakmak ninyong friends, ikaw ang pipiliin n’ya!

#KapePaMore

Advertisements

One thought on “Naagawan ka na ba ng Best Friend?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s