Author's Section

Good Bye 2015, Hello 2016!

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_HappyNewYear2016

Una sa lahat, maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa TZCAOMAC. Halos ilang tasa ng kape ang nainom ko habang nagdo-drawing at nagsusulat ng mga istorya para sa comics ka ito. Kung tutuusin, hindi ako makapaniwala na ang isang tulad ko ay makakapag-publish sa internet ng ganitong klaseng art kung saan naihahayag ko ‘yung matagal ko ng frustration. Naalala ko pa nga na more than 10 years ago, puro sa notebook lang ako gumagawa ng komiks, tapos tinatapon lang ng family ko kasi akala nila kalat lang ang mga iyon — hindi nila naisip na tulad sa ganitong henerasyon lahat ay maaari nang gawin sa tulong ng teknolohiya at internet.


Blog By: Coffee

Taong Pinaglihi sa Kape, Kulay Kape
At Lasang Kape (Well!)/Creator of TZCAOMAC

Sa pagsusulat ko, hindi ko nga inaakala na marami-rami rin ang nagbabasa at tumatanggkilik sa tagalog komiks. Sabi ko nga akala ko halos patay na ang industriya ng komiks. Ngunit noong naka-attend akong ng isang malaking ComiCon at umabot sa halos 1,000 ang facebook like ng TZCAOMAC, nag-iba ang pananaw ko — marami pa rin pala ang masiyang nagbabasa ng comics.

Actually, hindi ko rin ito inaasahan. Gusto ko talagang gumawa ng blog tungkol sa mga Coffee Shop at kape dahil sa hilig ko sa kape. Kumbaga ang orignal plan ay magto-tour ako around the Philippines just to taste the different local coffee tapos ire-review ko for the sake of the coffee industry in the Philippines, then side line lang dapat ang comic strips nina Milk at Coffee. Pero naging taliwas ito at nauwi sa contribution sa pag-promote ng comic industry, then part-time lang ang mag-tour ko sa iba’t ibang Coffee Shop.

Vol 1 - Screen shot

Masaya ba ako sa ginagawa ko?

Yes, grabe! It’s a very overwhelming experience. Na hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na may nagbabasa ng ginawa ko. Bukod pa d’yan I got discovered as an artistic person, kaya kung saan-saan nakakarating ang artworks ko at sina Milk and Coffee. Nakapag-volunteer din ako sa ilang projects gaya ng “Harana” ng LoveYourself, Inc., kung saan ako ang nag-drawing ng cover art ng chapters 4, 8, 9 at 10. Hindi ko siguro magagawa ang lahat ng iyon kung hindi ko inumpisahan ang TZCAOMAC.

Dahil din dito, nagkaroon ako ng sideline gaya ng paggawa ng invitation at greeting cards na may chibi pictures (I didn’t get the permission to post the samples here, busy yata sila. Hehe). But I’m happy na may ganito na akong eksena. I’m also selling the shirts of TZCAOMAC (just send an email to milkandcoffeeadventures [at] gmail.com kung gusto ninyong umorder).

Ano’ng dapat abangan sa “The Zero Calorie Adventures of Milk and Coffee”?

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_CCS_ComingSoon

Well, maraming dapat abagan! Although medyo kumonti ang pagre-release ko ng mga episodes recently because of the “Cosmic Caffeine Saga” na aabangan ninyo sa January, marami pa rin ang mangyayari dito sa Milk and Coffee adventures. Kahit ‘yung sarili ko na-e-excite na rin sa mga dapat abangan. Hehehe!

Abangan n’yo rin ang mga Coffee Shop Blogs ko. May mga mauumpisahan na akong reviewhin, sana tangkilikin ninyo sila.

Message for 2016.

Sana next time, hindi ko na interviewhin ang sarili ko. Hahaha!

On a serious note, though. Sana maging fruitful and full of love ang 2016. At sana ito na ‘yung year na hinihintay nating lahat — ang pagkakaroon ng love life, pagyaman, at promotion. But above all, I wish everyone “contentment” in life. Kasi minsan hanap tayo ng hanap, ‘di natin alam marami na pala tayo nu’n hindi lang natin napapansin, kasi feeling natin kulang. #hugot

(Ako din ‘yan ang wish ko sa buhay ko: “Contentment”)

For us all, if you’re voting next year, please choose the people you think are right for the position. Pray for it before you write or shade their name on the ballot. Start loving the country by taking full responsibility on whom you choose to vote.

Ano pa ba? Well, start travelling if you haven’t tried it. Start doing the things you love. Start to know and become yourself. Be kind and gentle. Drink coffee without sugar. Be friends with everyone.

At sana tuluy-tuloy n’yo pa ring basahin at mahalin ang “The Zero Calorie Adventures of Milk and Coffee”.

Maraming Salamat! Happy New Year Everyone! #KapePaMore

Sincerely,

– Coffee

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_AS_LeMiel

Komiks · Music

Coffee?

Vol. 1 No. 46

(Click the image for a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_46

Na-feel n’yo rin ba ‘yun minsan? ‘Yung tipong nagkaroon ka na ng signature identification dahil sa bagay na parati mong sinusuot, kunwari T-Shirt, Pants, or Accessories. Pagkatapos, maririnig mo ito sa ibang tao na ginagamit ito bilang pantukoy sa’yo.  Astig, di ba?

Hala, malapit nang matapos ang taong 2015. May plano na ba kayo sa 2016?

Mas maganda isama ninyo sa plano ang pagbabasa ng TZCAOMAC everyday. Hehehe! Maaari ninyong mabasa ang buong Volume 1 sa pag-click ng link na ito papuntang Facebook: Click Here.

Happy New Year!

Comics · Komiks

Regalo

Vol. 1 No. 45

(Click the image for a larger view)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_45

Ikaw ba ilang gifts ang natanggap mo ngayong Christmas?

Pero sana hindi regalo, pera o ano pa mang materyal na bagay ang maging basehan natin kung bakit masaya ang pasko. Sana love and peace pa rin ang manaig sa puso ng bawat isa.

Subaybayan ninyo ang crazy comic adventures nina Milk and Coffee dito lang s’yempre. Kung gusto ninyong basahin ang buong Volume 1, i-click lamang ang link na ito: Volume 1

#KapePaMore

Comics · Komiks

Action-packed

Vol. 1 No. 42

(Click the image for a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_42

Feeling ko si Coffee na lang ang hindi pa nakakapanood ng StarWars.

Kayo ba napanood ninyo na o mas Feel ninyo ang action nina Rody Durterte at Mar Roxas? Feel free to send in your comments!

Kung hindi ninyo feel pareho, subaybayan ninyo na lang ang buong tagalog komik adventures nina Milk and Coffee sa link na ito: Volume 1

#KapePaMore

Author's Section

Miss Universe 2015 – Bakit Rude Ang Pinoy?

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_Miss_Universe

First of all congratulations sa aming pambato sa Miss Universe 2015, Pia Alonzo Wurtzbach!

Thank you for giving us another reason to be proud of, for uniting the Filipinos and the people around the globe, and for giving each Filipino a good Christmas Gift, which is the 3rd crown for our country.


Blog By: Coffee

Taong Pinaglihi sa Kape, Kulay Kape
At Lasang Kape (Well!)/Creator of TZCAOMAC

 


 

Nasa Cebu ako noong pinapanood ko ang Miss Universe 2015. Isa ako sa mga nakikitili na fan, of course, ni Miss Universe – Philippines.

Kung hindi ninyo napanood, may eksena kasi kung saan nagkamali ang host, na si Steve Harvey, sa pag-anunsyo kung sino ang nanalo ng korona. Unang ninyang tinawag si Miss Universe – Colombia bilang Miss Universe 2015, at pagkaraan ng ilang minuto, humingi s’ya ng paumanhin at inamin na nagkamali s’ya sa pagbasa ng resulta at ang totoong nanalo ay ang pambato ng Pilipinas.

Naging usap-usapan ito sa social media, at hanggang ngayon umaatikabo pa rin ang palitan ng kuro-kuro kung ano ba talaga ang nangyari sa pageant. May nagsasabi na hindi deserving si Pia Wurtzbach at mayroon namang dumepensa na si Miss Philippines talaga ang nanalo.

Sa pagbabasa ko ng mga artikulo na pumupuno ng timeline ko sa Facebook, madalas akong nakakakita ng mga tao nagkokomento ng kanilang naglagablab na hinain ayos sa resulta ng Miss Universe. Karaniwan dito ay “bashing” kay Steve Harvey, Miss Colombia at kung sino man ang kumampi kay Miss Colombia.

Bakit nga ba ganoon ka tindi ang galit ng Pinoy? Bakit Rude ang Pinoy? May ilang rason:

Continue reading “Miss Universe 2015 – Bakit Rude Ang Pinoy?”

Comics · Komiks

Christmas Fashion

Vol. 1 No. 41

(Click the image for a larger view)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_41

Ngayong magpapasko, dagsaan ang mga makakapal na jacket sa mall.

Ewan ko ba kung bakit.

I think bibili ko noon kung tipong pupunta lang ako sa ibang bansa. But for here in the Pinas? Well, I guess not. It really depends sa tawag ng Fashion at Weather

Subaybayan ang buong tagalog komik adventures nina Milk and Coffee sa link na ito: Volume 1

#KapePaMore

 

 

Comics · Komiks

Christmas Decor

Vol. 1 No. 40

(Click the image for a larger view)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_40

Ayan! Malapit na ang Pasko! Nakapagtayo na ba kayo ng Christmas Tree gaya ni Tess Presso?

Pero alam ninyo, hindi naman sa palumuti sa bahay, nadarama ang tunay na diwa ng Pasko. Laging tandaan na ang Pasko ay araw-araw. Kung anuman ang mayroon ka ngayon, kung anuman ang katayuan mo, dapat magpasalamat tayo kasi ito ang natatanggap nating regalo.

Kung afford naman ang magtayo ng Christmas Tree or maglagay ng Christmas Light sa buong bahay ninyo, wala namang masama.  Mas bongga pa nga ‘yun.

Sana patuloy n’yo pa rin sundan ang Tagalog Komik adventures nina Milk and Coffee dito lamang sa “The Zero Calories Adventures of Milk & Coffee”

Kung gusto n’yong mabasa ang buong chapter 1, sundan lamang ang link na ito: Volume 1

#KapePaMore

 

Comics · Komiks

Biglang Sulpot Moments

Vol. 1 No. 39

(Click the image for a larger view)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_39

Minsan gano’n talaga, kung sino ‘yung iniisip mo s’ya itong biglang lalabas out of nowhere, and they will leave you off guard.

Well, buti na lang magiging mag-co-workers na sila Milk and Coffee sa Kape Shap ni Tim Creamer. Hindi na masyado matatakot mawalan ng best friend itong si Milk. Pero ano kaya ang mangyayari sa loob ng Kape Shap? May sabong kayang mangyayari between Tim and Milk?

Siguro mas magandang subaybayan na lang natin ang tagalog komiks adventures ng barkadahan dito lang ‘yan sa “The Zero Calories Adventures of Milk & Coffee!”

Gusto mo bang mabasa ang buong Volume 1 ng adventures? Sundan lamang ang link na ito –Volume 1

#KapePaMore