Author's Section

Miss Universe 2015 – Bakit Rude Ang Pinoy?

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_Miss_Universe

First of all congratulations sa aming pambato sa Miss Universe 2015, Pia Alonzo Wurtzbach!

Thank you for giving us another reason to be proud of, for uniting the Filipinos and the people around the globe, and for giving each Filipino a good Christmas Gift, which is the 3rd crown for our country.


Blog By: Coffee

Taong Pinaglihi sa Kape, Kulay Kape
At Lasang Kape (Well!)/Creator of TZCAOMAC

 


 

Nasa Cebu ako noong pinapanood ko ang Miss Universe 2015. Isa ako sa mga nakikitili na fan, of course, ni Miss Universe – Philippines.

Kung hindi ninyo napanood, may eksena kasi kung saan nagkamali ang host, na si Steve Harvey, sa pag-anunsyo kung sino ang nanalo ng korona. Unang ninyang tinawag si Miss Universe – Colombia bilang Miss Universe 2015, at pagkaraan ng ilang minuto, humingi s’ya ng paumanhin at inamin na nagkamali s’ya sa pagbasa ng resulta at ang totoong nanalo ay ang pambato ng Pilipinas.

Naging usap-usapan ito sa social media, at hanggang ngayon umaatikabo pa rin ang palitan ng kuro-kuro kung ano ba talaga ang nangyari sa pageant. May nagsasabi na hindi deserving si Pia Wurtzbach at mayroon namang dumepensa na si Miss Philippines talaga ang nanalo.

Sa pagbabasa ko ng mga artikulo na pumupuno ng timeline ko sa Facebook, madalas akong nakakakita ng mga tao nagkokomento ng kanilang naglagablab na hinain ayos sa resulta ng Miss Universe. Karaniwan dito ay “bashing” kay Steve Harvey, Miss Colombia at kung sino man ang kumampi kay Miss Colombia.

Bakit nga ba ganoon ka tindi ang galit ng Pinoy? Bakit Rude ang Pinoy? May ilang rason:

  1. Hindi Marunong Tumanggap ng Pagkatalo. Kahit anong contest ‘yan o Sport, basta natalo ang Pinoy, dinaya tayo o unfair ang judging.  Hindi kayang sikmurain ng mga pinoy na ang ating kababayan o bansa o paboritong kalahok ay pangalawa lamang sa iba. Sa Miss Universe 2015, nalaman natin tayo ang nanalo ay inaangkin pa din ng iba ang ating korona, kaya ayun, naglalagablab lahat ng comment ng mga tao kung sino man ka kumekwestyon sa pagkapanalo ng Pilipinas.
  2. Nasadugo Talaga ang Maghimagsik.  Mukhang mahiyain ang pinoy, pero sa totoo lang marami tayong pinagdaanan na mga bagay na kailangang ipaglaban — mula sa pananakop ng dayuhan hanggang sa pagsasampay ng kapit-bahay sa hindi n’ya bakuran. Mainit talaga ang dugo ng pinoy sa nagbabalak mang-agaw ng bagay na sa tingin namin ay dapat sa amin.
  3. Trip ang Kampihan. Syempre kung kadugo mo ang lumalaban, hinding hindi mo mababaluktot ang loyalty ng pinoy. Kung inaangkin ng mga Pinoy ang mga “Pinoy blood-singers”, “Pinoy blood-artista, “Pinoy blood-kung-sinu-sino-pa”, dito pa kaya sa Miss Universe? Ayaw natin na inaapi ang kadugo natin, kaya tuloy ang laban! At s’yempre huwag kang magkakamali na kumampi sa kalaban, kung ayaw mong sumikan at magkaroon ng maraming bashers.
  4. Close-minded. Medyo close-minded ang ibang pinoy sa mga opinyon ng iba. Kadalasan hindi nila pinapansin kung may nag-sorry na, bumawi ng statement, o tumigil na ang gulo. Some pinoy are open to dig the holes of the past to continue blasting comments against someone. And they don’t care kung the other party doesn’t speak Tagalog. Bira lang sila ng bira.

How to deal with it?

Well simple lang. Huwag magpa-apekto.

All are free to express their thoughts. Pero hindi lahat ginagamit ito ng tama. So I conclude na hindi lahat ng comment ay pinag-isipan (I’m sorry to say that. Hahaha!) But yeah, don’t get affected kung ikaw man o hindi ang bina-bash.

#KapePamore

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s