Comics · Komiks

Cosmic Caffeine Saga – January 17

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_CCS_Cover

Ayan, medyo magle-level up tayo ng konti this coming Sunday sa paglabas ng unang episode ng Cosmic Caffeine Saga ng The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee, at dito ‘yan mangyayari sa ating website.

Parte pa rin ito ng Volume 1 ng adventures. Nakabukod lang s’ya sa mga episode dahil medyo malaki ang series nito. Bawat episode ay may tatlong linggong agwat at binubuo ng mahigit-kumulang 10 pages.

Ano ba ang dapat abangan dito?

  1. MGA BAGONG CHARACTER

May tatlong bagong character ang Cosmic Caffeine Saga. Ito’y sila…

CHO-CORATE – Batang eksperto sa Galactic Martial Arts. May angking bilis s’ya na hindi mapapantayan ng sinoman. Kaya n’yang pataubin ang isang pulutong ng mga wrestler sa isang iglap lang.

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_CCS_Chocorate

BARAKO – Dati s’yang mandaragat at nahilig sa basketball. Ngunit isang araw, nakain ng hindi malaman na nilalang ang kanyang kaliwang braso. Tinulungan s’ya ng Cosmic Caffeine Gang para ibalik ang kanyang braso, at binigyan nila ito ng pambihirang kakayahan at nagbabago-bagong anyo.

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_CCS_Barako

GRIN TEANA – Leader ng Cosmic Caffeine Gang. Magaling s’ya pagkakalat ng kemikal na may iba’t ibang epekto sa katawan ng tatamaan nito. Gamit ang kanyang flipper-fan, kaya niyang labanan ang sinumang hahadlang sa kanyang plano.

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_CCS_GrinTeana

2. ACTION-PACKED SCENES

Matagal na naming gustong gumawa ng istorya na may bakbakan ng powers. Kaya gagawin namin ang lahat para magiba ang webcomic world dahil sa mga super powers ng ating Cosmic Caffeine Saga casts.

3. RELEASE DATES

Lalabas na may tatlong linggong pagitan, Para may thrill ang reading at hindi ma-haggard si Coffee kaka-drawing. (Hahaha!)

Malalathala ang Episode 1 sa January 17, at ang susunod na Episode ay sa February 7. Babanggitin din namin ang date ng “Next Episode” sa bawat release.

#KapaPaMore

Advertisements

6 thoughts on “Cosmic Caffeine Saga – January 17

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s