Author's Section

Sino Ang Pipiliin Mo?

wp-1456843584843.jpeg

Marahil ito na ang pinaka-intense na national election, kung saan mamimili tayo ng ihahalal na mamumuno sa ating pinakamamahal na bansa, ang Pilipinas!


Blog By: Coffee

Taong Pinaglihi sa Kape, Kulay Kape
At Lasang Kape (Well!)/Creator of TZCAOMAC

Tara at magkape tayo! Pag-usapan natin ‘to!

(Disclaimer: This is just my opinion, okay? And the caricatures are ordered alphabetically based on their last name. Kung nanood kayo ng PiliPinas Debates 2016, ganyan ang pagkakahanay sa kanila.)

Anyways, sa lahat ng eleksyon na pagbobotohan ko, ito nga ang sabi ko na pinaka-intense. Lahat ng kandidato sa pagka-Pangulo ay kilala ko. Lahat sila sinaliksik ko ang background. Lahat sila binusisi ko ang mga Facebook, Twitter, at YouTube videos (seriously) para madagdagan ang kaalaman ko, makapagpasya ako ng husto, at para masulit ko ang aking boto (mahirap ang pumila kasi.)

Kung tutuusin sa pagsusulat ko na ito, may mga naitala na akong kandidato na iboboto ko sa darating na halalan. Kaya wala akong babanggitin na disadvantages or advantages ng mga sumusunod na kandidato para fair ang chikahan natin.

Ang gusto kong iparating sa post na ito ay ang kabuuang importansya ng halalan (ang pagrerehistro, pagpili ng tamang kandidato, pagpapahayag ng respeto, at benepisyo ng pagboto.)

So umpisahan na natin:

img_20160225_225249.jpg

1. Pagrerehistro.

Ito ang pinaka-importanteng gawain ng isang mabuting Filipino kapag tumuntong ka na ng hustong edad. Dahil dito binibigyan mo ang iyong sarili ng kapangyarihang mamili ng mga kandidato na mauupo sa ating pamahalaan.

Bukod sa dagdag ID s’ya sa walet mo, pagpapakita rin ito ng iyong pagkaresponsable sa paglilingkod sa bayan.

img_20160225_225630.jpg

2. Pagpili ng Tamang Kandidato

Madalas nating naririnig ang “Matalinong Pagpili” sa TV, Radio at minsan sa chismisan ng mga kapit-bahay natin. Pero kung tutuusin wala naman talagang formula ang pagpili ng karapat-dapat na kandidato sa halalan.

Ang prinsipyo dapat ang pinapairal sa oras ng pagpili.

Tandaan: Magdalawang isip sa mga kandidatong napupusuan. Walang masama kung gugustuhin mong pag-aralan ito ng matagal. Basta malalaman mo na satisfied ka sa oras na i-shade o isulat mo ang pangalan nila sa balota, ayun ang pinakamahalaga.  Maaari mong natungin ang iyong sarili, gaya nga ng title natin: Sino Ang Pipiliin Mo? Tapos sundan mo ng “Bakit?” ang iyong sagot. Kung masaya ka sa sagot mo. Maaari ka ng gumawa ng iyong listahan.

Huwag magpa-pressure na napapakinggan mo sa ibang tao, opinyon nila iyon. Mas magandang kung magkakaroon ka ng sariling paninindigan kung sino talaga ang iboboto mo. Ang susi: mag-research.

img_20160225_225428.jpg

3. Pagpapahayag ng Respeto.

Lahat tayo iba-iba ng gusto. Lahat tayo magkakaiba ang pananaw. May ilan na sasang-ayon sa akin at may ilan din na tataliwas. Pero dapat nating tandaan na gaya ng gusto nating maramdaman sa ibang tao, ang respeto ay dapat ibinibigay sa opinyon ng iba.

Ang pagpapalitan ng mga ideya at nalalaman natin sa mga kanditato ay kung tutusin nakakatulong para mas mapalawak pa ang ating kaalaman tungkol sa mga taong iuupo natin sa gobyerno.  Dito tayo magkakaroon ng kakayahan magsaliksik, maghambing at muling magsaliksik.

Maaari nating kang kumontra at maghayag ng nalalaman. Ngunit dapat mong tandaan na sa bandang dulo, dapat hindi mo ipupwersa na maging opinyon ng iba ang iyong opinyon. Kailangan maging payapa ang pag-uusap kapag usapang politika ang nakahain, dahil maaaring makasira ito ng samahan kung sakaling hindi ninyo nilimitahan ang inyong diskusyon.

Tandaan: Respeto.

img_20160225_225544.jpg

 

4. Benepisyo ng Pagboto.

Kung kanina ay pagrerehistro, ngayon naman ang benepisyo ng pagboto.

Minsan iniisip ng iba na hindi na sila boboto dahil hindi naman nananalo ang kandidato nila. Kung tutuusin mali ang ganitong pananaw.

Sa pagboto, napapatakbo natin ng ating bansa ng malayo sa dektadura o pag-upo ng matagal sa pwesto ng mga taong hindi na nararapat; sang-ayon kung sino ang binoto ng madla.

Dahil sa karapatan nating bumoto, nagkakaroon ng pagbabago ang ating bansa — malaki man o hindi. Dahil sa pagsasama ng bilang ng boto natin, ang mga nananalong tao sa politika ay nagbibigay-kulay sa ating bansa sa pamamagitan ng kanilang talento/kasanayan na ibinabahagi.

Ang pagboto ay paraan din ng paglasap sa mga bagay na ipinaglaban ng ating mga bayani.

At isa pa, may karapatan ka ng magreklamo kung bakit malaki ang tax mo kapag sumasahod ka at kung bakit hindi pa tapos ang project ni Mr. or Ms. Politician.

img_20160225_225510.jpg

5. (Bonus) Masaya kaya ang eleksyon.

Simple lang. Imagine life without it. Mas lalong gugulo siguro ang bansa natin. Marahil dinadaan natin sa welga o digmaan ang pagtatalaga natin ng tao sa pamahalaan.

Dito mo rin makikita na ang Filipino iba-iba talaga ang kakayahan. Kung minsan tayo pa mismong mga botante ang nasusubok dahil nakakalito ang mga pagpipilian.

Masaya rin ito kasi nagkakaroon ng pagkakaisa ang Filipino sa adhikain:

Adhikain na mapabuti ang Pilipinas sa pamamagitan ng halalan.

Kaya, next time, pa-register ka na or kung botante ka na, huwag tatamarin.

———————————————

Ano’ng opinyon mo sa Author’s Section na ito? Nasiyahan ka ba o nalungkot?

Ipaalam ito sa sa amin, mag-iwan lang ng comment at pag-usapan natin s’ya!

At para naman sa mga comics na maaari mong antabayanan, magpunta lamang sa link na ito: Volume 1. Huwag kalimutan i-like ang picture ng kandidato na napupusuan mo sa album ng 2016 Presidentiable sa Facebook.

Nag-aabang din na mabasa mo ang pinaka-latest na SAGA ng TZCAOMAC, ito ang Cosmic Caffeine Saga. I-click lamang ang link para mabisita ito.

#KapePaMore

 

Advertisements

4 thoughts on “Sino Ang Pipiliin Mo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s