Comics · Komiks

Encantadia‬ sa TZCAOMAC

Vol. 1 No. 72 – Encantadia sa TZCAOMAC.

(Click image for a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_72

Avisala! Ayan nakiki-Encantadia na rin ang ating mga bida. So far naman nabibigyan nila ng justice ang remake. ‘Yun nga lang hindi nila maiiwasan na magka-basher kasi baka ine-expect talaga nila na parehong-pareho ang istorya.

Well, basta ako gusto ko ang effects and graphics, pati ang mga twist ng story. Kaya papanoorin namin s’ya ng tuloy-tuloy.

Ikaw ba gusto mo ba ang bagong Encantadia o mas prefer mo ang nauna?

Please leave your comments below kung ano ang palagay ninyo para sa ‘Fanstaserye’ na ito.

#KapePaMore

Follow us on FB by clicking this: The Zero Calorie Adventures of Milk and Coffee’S Facebook Page.

Advertisements
Comics · Komiks

Pokemon Go Bug

Vol. 1 No. 71 – Pokemon Go Bug

(Click the image a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_71

Common joke ngayon ito sa mga friends ko, samantalang hindi pa gumagana ang Pokemon Go rito sa Pinas. Lalapitan ka nila biglang pupukulin ka ng papel or ng pokeball mismo. Haha!

Kung hindi pa rin kayo convince kung gaano kalala ang Pokemon Go craze, ito ang isang video mula sa ibang bansa:

Well, nakakita lang naman sila ng spot kung saan may magandang klase ng Pokemon. Oh, ‘di ba?

#KapePaMore #PokemonGoPaMore

Comics · Komiks

Pokemon Go o Ako?

Vol. 1 No. 70 – Pokemon Go o Ako?

(Click the image for a larger view)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_70

Ayan, kahit kasi hindi gumagana ang Pokemon Go rito sa Pinas, tuloy pa rin ang hype at walang humpay na paglalaro ng tao. Basta makakuha lang ng first Pokemon nila, ayos na!

Well, actually, ako rin ay nakikiuso. Nakakuha na ako ng Bulbasaur bilang unang Pokemon ko. Hahaha! (Akala n’yo kayo lang.) Naabutan ko rin ang time na gumagana pa s’ya. Kung tutuusin may mga libreng Pokeball akong nakuha. Ayun nga lang, pagkagising ko kinabukasan, nawala ang mga Pokestop dahil na-disable na Pokemon dito sa buong Pinas.

Sa ngayon, tingin-tingin muna ng video kung paano maglaro ang mga players sa iba’t ibang parte ng mundo, baka makakuha kayo ng tip kung paano papalakasin ang inyong mga Pokemon at kung paano kayo magpapa-level.

Naku! Sana talaga ma-release na ang Pokemon dito. Marami nang hindi makapag-hintay. Nakakaloka!

On the other hand, bisitahin n’yo ang aming page sa Facebook upang mabasa ninyo ang buong Volume 1.

#KapePaMore

Comics · Komiks

Pokemon Go?

Vol. 1 No 69 – Pokemon Go?

(Click the image for a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_69

—-

Isa ba kayo sa nakapag-download at pinaasa ng Pokemon Go? Kaloka, ‘di ba? Akala mo masaya ka nang makakapaglakbay sa buong Metro Manila, bigla na lang nawala at na-block ang buong Pinas. Ngayon, gumagana pa rin ang app, ayun nga lang wala kang makikita. (Parang lovelife, wala kang makikita. Boom!)

Pero bago ako humugot ng bongga plug ko lang na buwan ng Hulyo ay buwan ng  pagkakalikha sa The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee! Yehey! In other words, it’s our Anniversary month!

Hopefully, this another year for us would us more productive sa paggawa ng stories, hugot, coffee reviews and more.  Sana patuloy n’yong samahan sila Milk & Coffee at ang buong barkada dito sa pinoy webcomic na ito.

Sige! Enjoy the Pokemon Go!

Comics · Komiks

Pasukan Na!!!

Vol. 1 No. 68 – Pasukan Na!!!

(Click the image for a larger view)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_68

Umpisa na ng mga klase na naman sa iskwelahan. Panibagong taon/semester para sa pagsulong ng kinabukasan! (Laki ng hugot ko doon. Haha!) Pero totoo naman ‘yun, hindi lang s’ya basta hugot. Study well when you still have the opportunity. Dahil kapag pinalagpas n’yo ‘yan, you won’t be able to maximize your adulthood.

So kapit lang! Aral pa more! #KapePaMore

Tingnan ang buong volume 1 at iba pa naming hugot quotes sa aming Facebook page. Pumunta lang sa link na ito.