Comics · Komiks

Hindi pala Pokemon Go

Vol. 1 No. 76 – Hindi pala Pokemon Go.

(Click the image for a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_76

Pahinga-pahinga rin sa Pokemon kapag may time. Hehehe!

Kayo? Ano’ng hugot n’yo sa Pokemon Go! I-share mo naman kung ano’ng experience mo.

#KapePaMore

Advertisements
Comics · Komiks

Heavy Traffic + Pokemon Go

Vol. 01 No. 75

(Click the image for a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_75

Dati nagrereklamo ako sa bagal ng trapiko sa EDSA, lalo na kapag uwian; pero tila nagbago ang ihip ng hangin dahil sa Pokemon Go. Ngayon, mas gusto kong mabagal ang trapiko dahil ayokong malagpasan ang mga ‘Pokestops‘ at Pokemon na lumalabas sa kahabaan ng laksada habang gumagalaw nang mabagal ang mga sasakyan. Nakakapuslit din ako ng laban sa mga Pokemon Gym along the way kapag walang galawan ang traffic. Pero ang higit sa lahat, ang pinaka-malaking advantage ng pagpo-Pokemon Go sa byahe ang ang pagha-hatch ng egg. Sulit na sulit ito lalo na kung mas mabilis ka pang maglakad kaysa sa bus. In no-time, magha-hatch agad ang egg. Ayun nga lang, ‘wag lang aabutan ng low batt, dahil mas nakakaloka ‘yun.  Kaya dapat may power bank na dala.

 

Oo nga pala! Paalala lang: kapag nagba-byahe, lalo na kung nagco-commute sa bus or jeep, dapat alerto para iwas holdap o magnanakaw. Kung maaari ‘wag n’yo ng tularan si Coffee, na ine-enjoy ang heavy traffic sa bus while playing Pokemon Go. Mas piliin n’yo na ingatan ang sarili, pati na rin ang gamit, tulad ng cellphone, na dala-dala n’yo para sa inyong kapakanan. Kayo rin…Pokemon Go o Walang Cellphone?  At kung hindi n’yo talaga maiwasan, make sure na discreet lang ang paglalaro, para hindi kayo makaagaw-pansin. At kung may private car naman kayo, iwasan ang pagpo-Pokemon Go while driving para iwas aksidente.

Kayo ba ano’ng Pokemon Go experience ninyo while on-trip? May nakuha ba kayong rare Pokemon? Mag-comment lang sa ibaba!

#KapePaMore

Comics · Komiks

Ang Matinding Kalaban ng Pokemon Go

Vol. 01 No. 74

(Click the image for a larger view.)

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_74

Medyo challenging pala itong Pokemon Go, lalo na’t nakaka-drain s’ya ng battery nang mabilis. Halos may 3-4 beses akong nagcha-charge ng phone sa loob ng isang araw. Kakailanganin ko tuloy ng isang magandang power bank para mas makapag-ikot ako ng mahaba-haba.

Gaya ni Milk wala pa akong Pikachu. Sana makahuli na ako sa next walk ko o susunod na pag-hatch ng eggs na naka-incubate.

Kayo ba? Anong Pokemon Go experience ba ang gusto n’yong i-share. Mag-leave lang ng comment.

#KapePaMore