About Milk And Coffee

The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee (TZCAOMAC)

MilkAndCoffee

Pinagmulan

Dahil hilig sa pagda-drawing ng Author, naisipan niyang sinimulan ang  “The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee” noong June 2015 bilang status update sa Facebook, kung saan ginuhit niya ang kanyang sarili sa anyong Mini Me cartoon at tinawag n’ya itong Coffee. May ilang tao ang nakahiligan ito, at umani ang pictures ng “Likes” at magagandang comments. Kaya doon niya sinimulan din ang pagda-drawing ng isa pang Mini Me na lumalarawan naman sa kanyang best friend, at ito ay naging si Milk. At doon nagtuluy-tuloy ang lahat hanggang sa mabuo ang buong cast at mga unang episode ng adventure.

Mga Character

Coffee ang napiling ipangalan sa isa sa mga pangunahing character ng TZCAOMAC dahil sa kulay ng balat ng bida — Tanned-skin kasi — at dahil na rin sa aminadong hilig sa kape ng Author. Samantala, ang lagi niyang kasama sa pagkakape na best friend ay mala-gatas naman ang kulay ng kutis kaya binansagan na Milk. Kung tutuusin kung makikila ninyo sila sa personal, na ‘di malabong mangyari, masasabi ninyo talaga na mukha silang Kape’t Gatas.

Inspirasyon

Mahilig ang Author sa pagda-drawing ng kung anu-ano. Dahil ito sa kanyang mga nakagisnan ninyang Filipino Comics gaya ng Pugad Baboy, Funny Komiks, Beerkada at iba pang mga comics na makikita sa tabloids at broadsheets hanggang ngayon.

Pinili niyang maging Taglish (Tagalog at English) ang comic strips na ito dahil sa kagustuhan niya rin na mabuhay ang mundo ng comics sa Pilipinas at mabasa ito ng mga Filipino. At isa pa, mahirap mag-English. LOL.

The Author

Milk_And_Coffee_Author

Malapit nang grumadweyt sa pagiging 20 something ang Author.

Unfortunately, hindi ito ang full-time job niya. Nagtatrabaho siya sa isang kompanya na may ibang larangan. Mahilig lang siya gumuhit; magsulat ng mga istorya, tula at kanta; at gumawa ng mga bagay na maidudugtong sa sining.

Malaking pangarap niya ang makagawa ng ganitong page, kaya salamat sa internet at ibang apps na tumutupad sa mga milestone na ito.

Para sa mga katanungan at concern, makipag-ugnayan lamang sa milkandcoffeeadventures [at] gmail.com.

See you!

Advertisements

12 thoughts on “About Milk And Coffee

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s