Author's Section

Good Bye 2015, Hello 2016!

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_HappyNewYear2016

Una sa lahat, maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa TZCAOMAC. Halos ilang tasa ng kape ang nainom ko habang nagdo-drawing at nagsusulat ng mga istorya para sa comics ka ito. Kung tutuusin, hindi ako makapaniwala na ang isang tulad ko ay makakapag-publish sa internet ng ganitong klaseng art kung saan naihahayag ko ‘yung matagal ko ng frustration. Naalala ko pa nga na more than 10 years ago, puro sa notebook lang ako gumagawa ng komiks, tapos tinatapon lang ng family ko kasi akala nila kalat lang ang mga iyon — hindi nila naisip na tulad sa ganitong henerasyon lahat ay maaari nang gawin sa tulong ng teknolohiya at internet.


Blog By: Coffee

Taong Pinaglihi sa Kape, Kulay Kape
At Lasang Kape (Well!)/Creator of TZCAOMAC

Sa pagsusulat ko, hindi ko nga inaakala na marami-rami rin ang nagbabasa at tumatanggkilik sa tagalog komiks. Sabi ko nga akala ko halos patay na ang industriya ng komiks. Ngunit noong naka-attend akong ng isang malaking ComiCon at umabot sa halos 1,000 ang facebook like ng TZCAOMAC, nag-iba ang pananaw ko — marami pa rin pala ang masiyang nagbabasa ng comics.

Actually, hindi ko rin ito inaasahan. Gusto ko talagang gumawa ng blog tungkol sa mga Coffee Shop at kape dahil sa hilig ko sa kape. Kumbaga ang orignal plan ay magto-tour ako around the Philippines just to taste the different local coffee tapos ire-review ko for the sake of the coffee industry in the Philippines, then side line lang dapat ang comic strips nina Milk at Coffee. Pero naging taliwas ito at nauwi sa contribution sa pag-promote ng comic industry, then part-time lang ang mag-tour ko sa iba’t ibang Coffee Shop.

Vol 1 - Screen shot

Masaya ba ako sa ginagawa ko?

Yes, grabe! It’s a very overwhelming experience. Na hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na may nagbabasa ng ginawa ko. Bukod pa d’yan I got discovered as an artistic person, kaya kung saan-saan nakakarating ang artworks ko at sina Milk and Coffee. Nakapag-volunteer din ako sa ilang projects gaya ng “Harana” ng LoveYourself, Inc., kung saan ako ang nag-drawing ng cover art ng chapters 4, 8, 9 at 10. Hindi ko siguro magagawa ang lahat ng iyon kung hindi ko inumpisahan ang TZCAOMAC.

Dahil din dito, nagkaroon ako ng sideline gaya ng paggawa ng invitation at greeting cards na may chibi pictures (I didn’t get the permission to post the samples here, busy yata sila. Hehe). But I’m happy na may ganito na akong eksena. I’m also selling the shirts of TZCAOMAC (just send an email to milkandcoffeeadventures [at] gmail.com kung gusto ninyong umorder).

Ano’ng dapat abangan sa “The Zero Calorie Adventures of Milk and Coffee”?

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_CCS_ComingSoon

Well, maraming dapat abagan! Although medyo kumonti ang pagre-release ko ng mga episodes recently because of the “Cosmic Caffeine Saga” na aabangan ninyo sa January, marami pa rin ang mangyayari dito sa Milk and Coffee adventures. Kahit ‘yung sarili ko na-e-excite na rin sa mga dapat abangan. Hehehe!

Abangan n’yo rin ang mga Coffee Shop Blogs ko. May mga mauumpisahan na akong reviewhin, sana tangkilikin ninyo sila.

Message for 2016.

Sana next time, hindi ko na interviewhin ang sarili ko. Hahaha!

On a serious note, though. Sana maging fruitful and full of love ang 2016. At sana ito na ‘yung year na hinihintay nating lahat — ang pagkakaroon ng love life, pagyaman, at promotion. But above all, I wish everyone “contentment” in life. Kasi minsan hanap tayo ng hanap, ‘di natin alam marami na pala tayo nu’n hindi lang natin napapansin, kasi feeling natin kulang. #hugot

(Ako din ‘yan ang wish ko sa buhay ko: “Contentment”)

For us all, if you’re voting next year, please choose the people you think are right for the position. Pray for it before you write or shade their name on the ballot. Start loving the country by taking full responsibility on whom you choose to vote.

Ano pa ba? Well, start travelling if you haven’t tried it. Start doing the things you love. Start to know and become yourself. Be kind and gentle. Drink coffee without sugar. Be friends with everyone.

At sana tuluy-tuloy n’yo pa ring basahin at mahalin ang “The Zero Calorie Adventures of Milk and Coffee”.

Maraming Salamat! Happy New Year Everyone! #KapePaMore

Sincerely,

– Coffee

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_AS_LeMiel

Advertisements