Comics · Komiks

Cosmic Caffeine Saga – January 17

Milk_And_Coffee_comics_cartoon_CCS_Cover

Ayan, medyo magle-level up tayo ng konti this coming Sunday sa paglabas ng unang episode ng Cosmic Caffeine Saga ng The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee, at dito ‘yan mangyayari sa ating website.

Parte pa rin ito ng Volume 1 ng adventures. Nakabukod lang s’ya sa mga episode dahil medyo malaki ang series nito. Bawat episode ay may tatlong linggong agwat at binubuo ng mahigit-kumulang 10 pages.

Ano ba ang dapat abangan dito?

Continue reading “Cosmic Caffeine Saga – January 17”

Characters · Comics · Komiks

Meet The Characters — Batch 3

TESS_PRESSO_CARTOON

Meet TESS PRESSO, The Sosyalera.

Si TESS ang leading agent ng Golden Powers International. Mayaman. Mayaman. Mayaman. At may obvious na pagtingin din kay MILK. Selosa s’ya kahit wala naman s’yang something to hold on to sa kanilang dalawa ni MILK. Matindi ang galit kay COFFEE for some reason.

Siya lang din naman ang owner ni Frapp ‘The Dog’.

Maghanda na kayong matanong kung open-minded kayo for business, dahil makakasama na natin s’ya sa The Zero CalorieAdventures Of Milk & Coffee

 

FRAPP_Cartoon

Say Hello! to FRAPP ‘THE DOG’!

Isang domesticated tortoise si FRAPP. He can do a lot of tricks na hindi kayang gawin ng isang normal na tortoise. Mahilig s’yang makinig sa mga conversation na hindi namamalayan ng mga adventurers.

He’s in the middle of identity crisis pala — hindi s’ya convinced na isa s’yang tortoise. But allow him to convince you na he’s a dog.

Characters · Comics · Komiks

Meet The Characters – Batch 2

ATE_SUGAR_Cartoon

Meet Ate Sugar, The Everyone’s Ate.

She’s an athlete, hyper all the time, and loves healthy living. Lahat yata ng sports nasalihan n’ya during high school — name it, nalaro n’ya na.

She has a very special skill to manage the attitude of her little brother, MOCHA BOY, pero minsan tinatamaan pa rin s’ya ng jinx nito.

Ma-PR si girl and she’s friendly to everyone na nasa adventure.

MOCHA_BOY_Cartoon

Mocha Boy, The Negatron!

Si Mocha Boy ay ipinaglihi ng Nanay niya sa ‘minus’ sign ng Algebra kaya literal na one-liner ang kilay n’ya. Isa s’yang genius sa mathematics ngunit hindi sa GMRC at Values Education.

May problema sa pag-uugali at may kaakibat na jinx sa ibang tao ang bawat galaw n’ya.

Love na love n’ya ang ATE SUGAR n’ya.

Alamin kung bakit hindi n’ya makasundo ang mga bida nating sina Milk and Coffee

Characters · Comics · Komiks

Meet The Characters – Batch 1

COFFEE_Cartoon (1)

Meet COFFEE, The Moreno Guy of the Adventure.

Mahilig s’ya sa fashion, art, swimming, at pag-inom ng kape. Madalas makitang naka-heart shape na shades, blue t-shirt at high socks. Intermittent ang sense of humor niya — minsan mayroon, madalas wala. Mukhang malungkot at tahimik dahil isa raw siyang poet, pero kung tutuusin balahura s’ya sa comedy at ibang kalokohan.

Matutunghayan n’yo ang kanyang life under the glorious sunshine and bright moonlight with MILK and FRIENDS.

Milk_Cartoon

Meet Milk, The Tisoy Heart Rob.

He travels a lot in different local and international destinations — dahil trip n’ya lang. Pinalaking kumakain sa fine-dining, that’s why he loves the food from fancy restaurants and is always wearing polo shirt.

He also loves the company of his best friend, COFFEE…kahit na madalas silang nagtatalo. Straight-forward kung magsalita, pero magaling din mag-sugarcoat paminsan-minsan. Sosyal ang sense of humor, pang American TV series.

Love interest siya ni Caramel Martin, but the feeling isn’t mutual; so abangan n’yo ang habulan na magaganap.