Comics · Komiks

TZCAOMAC Joins Komikon 2015

November 14 and 15, pinuntahan ko ang Komikon 2015 na ginanap sa Bayanihan Center, Unilab Compound sa may Pioneer, Pasig City. First time kong dumalo ng Comicon/Komikon bilang si Coffee at may 2-day pass, kaya sa tingin ko nasulit ko ang buong weekend ko for that event at umuwi ako ng pagod na pagod. Hahaha!

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_03

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_05


Blog By: Coffee
Creator


Milk_and_Coffee_Komikon_2015_04

Well, dumalo lang ako noon. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko ie-expose sina Milk and Coffee sa ganu’ng klaseng kalakaran, so observe-observe muna hanggang sa matutunan ko lang. Besides, I don’t have the means yet to produce massive comics, so I will try to learn everything for the mean time and go for the attack next time. Ang ginawa ko lang doon ay naglibot, bumili ng mga komiks at umattend ng mga panel discussion, na kinapulutan ko ng aral at naging pinaka-paborito kong event ng araw na ‘yun.

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_10

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_02

wpid-20151115_143038.jpg

Nakilala ko din naman ang ilan sa mga batikan na creator ng mga kilalang komiks dito sa Pilipinas, gaya ng may likha ng “Trese” na si Budjette Tan, Jamie Bautista ng “Private Iris”, Ace Vitangcol ng “Love is in the Bag”, Lyndon Gregorio ng “Beerkada” at, syempre, si Carlo Vergara na gumawa ng Zsazsa Zaturnah. Tinalakay kasi nila ang mga topic na sa tingin ko ay essential para sa mga nag-uumpisa sa industriya ng komiks. Ilan dito ay kung paano mag-self-publish, comic writing, ano’ng nagaganap sa ‘school of comics’ at ano’ng mga challenges ang karaniwang nararanasan sa paglipat ng media platforms.

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_07

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_08

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_01

Maraming tao ang naabutan ko sa event. Halos mapuno ang buong bayanihan center convention area at muntikan ng mag-warning ang aking introvert side. Pero nag-enjoy ako sa iba’t ibang klase, tema at style ng komiks na orihinal na gawa mismo ng mga pinoy na naroroon.

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_09

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_06

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_12

Milk_and_Coffee_Komikon_2015_11

Nagkamali ako nang sinabi ko na kailangang buhayin ang industriya ng komiks sa ‘Pinas. Siguro hindi lang talaga ako aware na malaki pa rin ang kontribusyon ng komiks sa ating bansa, lalo na sa larangan ng komunikasyon at entertainment.

But all in all, nasiyahan ako. Mas lalo akong na-inspire na gumawa ng komiks para sa lahat. Sana marami pang Komikon ang maganap sa ‘Pinas, para more more hapiness and inspiration.

Advertisements