Comics · Komiks

Fetch

Vol. 1 No. 9

(Click Image for a larger view.)vol-1-no-09

Sundan kami sa Twitter at Facebook! I-click lamang ang mga links ng aming social media!

The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee – Volume 1

Advertisements
Characters · Comics · Komiks

Meet The Characters — Batch 3

TESS_PRESSO_CARTOON

Meet TESS PRESSO, The Sosyalera.

Si TESS ang leading agent ng Golden Powers International. Mayaman. Mayaman. Mayaman. At may obvious na pagtingin din kay MILK. Selosa s’ya kahit wala naman s’yang something to hold on to sa kanilang dalawa ni MILK. Matindi ang galit kay COFFEE for some reason.

Siya lang din naman ang owner ni Frapp ‘The Dog’.

Maghanda na kayong matanong kung open-minded kayo for business, dahil makakasama na natin s’ya sa The Zero CalorieAdventures Of Milk & Coffee

 

FRAPP_Cartoon

Say Hello! to FRAPP ‘THE DOG’!

Isang domesticated tortoise si FRAPP. He can do a lot of tricks na hindi kayang gawin ng isang normal na tortoise. Mahilig s’yang makinig sa mga conversation na hindi namamalayan ng mga adventurers.

He’s in the middle of identity crisis pala — hindi s’ya convinced na isa s’yang tortoise. But allow him to convince you na he’s a dog.

Characters · Comics · Komiks

Meet The Characters – Batch 1

COFFEE_Cartoon (1)

Meet COFFEE, The Moreno Guy of the Adventure.

Mahilig s’ya sa fashion, art, swimming, at pag-inom ng kape. Madalas makitang naka-heart shape na shades, blue t-shirt at high socks. Intermittent ang sense of humor niya — minsan mayroon, madalas wala. Mukhang malungkot at tahimik dahil isa raw siyang poet, pero kung tutuusin balahura s’ya sa comedy at ibang kalokohan.

Matutunghayan n’yo ang kanyang life under the glorious sunshine and bright moonlight with MILK and FRIENDS.

Milk_Cartoon

Meet Milk, The Tisoy Heart Rob.

He travels a lot in different local and international destinations — dahil trip n’ya lang. Pinalaking kumakain sa fine-dining, that’s why he loves the food from fancy restaurants and is always wearing polo shirt.

He also loves the company of his best friend, COFFEE…kahit na madalas silang nagtatalo. Straight-forward kung magsalita, pero magaling din mag-sugarcoat paminsan-minsan. Sosyal ang sense of humor, pang American TV series.

Love interest siya ni Caramel Martin, but the feeling isn’t mutual; so abangan n’yo ang habulan na magaganap.

Comics · Komiks · Poetry · Quote

Welcome sa The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee!

Hello! Ito ang official webpage ng The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee!

MilkAndCoffee

Bukod sa kanilang Facebook page, dito ninyo matutunghayan ang mga pinanabikang istorya ng pagkakaibigan nina Milk & Coffee at iba pang mga character ng The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee.

Marami ang dapat abangan — may love adventures, hugot, kwela’t nakakatawang real-life happenings, at mga bagay na siguradong gigising sa mga pagbabasa ninyo!

Kaya i-bookmark ito sa inyong PC, Laptop, Cellphone at Tablets, dahil isasama kayo nina Milk & Coffee at ng buong barkada sa Adventure na tiyak na kagigiliwan ng lahat.

Kape Pa More!